CAUAYAN CITY- Nagkaroon ng pagpupulong hinggil sa pagtaas ng land rental sa mga magsasaka sa bayan ng Echague, probinsiya ng Isabela.
Kabilang sa mga dumalo ang ilan sa mga Barangay Captain ng Echague kasama si Municipal Mayor Kiko Dy, kawani ng MAGO at mga tobacco technicians.
Napag-usapan dito na tataas ang land rental mula 30,000 ay magiging 40,000 ito kada hektarya sa loob ng isang season o apat hanggang limang buwan.
Layunin nito na mas lalong mahikayat ang mga magsasaka na magtanim ng tobacco at maging bahagi ng Tobacco Project.
Patuloy naman ang isinasagawang pamamahagi ng land rental sa mga magsasaka sa naturang bayan.
Facebook Comments