Nakitaan ng patuloy na pagtaas sa lebel ng tubig ang Sinucalan River, ayon sa pinakahuling monitoring ng Sta. Barbara Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Sta. Barbara MDRRMO Head Raymondo Santos, tatlong barangay ang nakararanas ng pagbaha dahil sa epekto nito – Erfe, Sonquil at Banzal.
Dagdag niya, ang ibang barangay ay nakararanas din ng pagbaha, bagamat ito ay dahil sa tubig-ulan, habang sa ibang binaha ay dahil wala umanong nilalabasan ang tubig.
Nitong July 20, 2025, umabot na sa 7.00 meters above sea level o critical level na Sinucalan River.
Ayon kay Raymondo, isa sa dahilan nito ang mga tubig na nanggagaling na sa taas o mga kabundukan na dumadaan sa naturang ilog.
Paalala nito sa mga residente sa bayan na huwag magpakampante. Sakaling mangailangan ng tulong ay itawag lamang umano sa tanggapan para sa tamang pagresponde.
Samantala, inalerto na rin ang mga Dagupeños dahil catch basin ang lungsod na posibleng magdulot ng mas mataas pang pagbaha sa lugar. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







