
Tinalakay sa Senado ang pagtaas ng kaso ng mental health problem sa BPO industry.
Sa pagdinig sa Senado, ilan sa mga kinatawan ng BPO industry ay tinukoy ang mga sanhi ng pagdami ng mga empleyadong nakararanas ng mental health problem.
Nakaapekto rito ang stressful work conditions, night-shift schedules, at lifestyle.
Nabahala si Senator JV Ejercito na naging malinaw na panganib sa maraming manggagawa ang problema sa mental health.
Tinukoy rin ni Ejercito na sa mga workplace ay dapat available ang mental health at wellness leaves at dapat hinihikayat ito sa mga high-pressure work environments.
Dagdag pa ng mambabatas, ang pagbibigay proteksyon sa mental health ng mga empleyado ay hindi lamang concern sa kanilang pinagtatrabahuan kundi isa itong public health priority na nangangailangan ng iisang pagkilos mula sa gobyerno, mga manggagawa at healthcare providers.










