Pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, bahagyang bumagal ayon sa OCTA

Bumabagal na ang pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa ayon sa OCTA Research Group.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Dr. Butch Ong ng OCTA na bagama’t tumaas kahapon ng higit dalawang libo ang naitalang kaso kumpara noong Sabado ay bahagya naman itong bumagal.

Ayon pa kay Ong, posibleng epekto na ito ng paglalagay sa alert level 3 ng Metro Manila noong Enero 3.


Samantala, ayon kay Dr. Guido David, nasa 50.5 percent na ang COVID-19 positivity rate o yung mga nagpo-positibo sa mga tinetest sa National Capital Region.

Ayon kay David, kung patuloy na babagal ang positivity rate ay posibleng maabot na ng NCR ang peak ngayong linggo.

Facebook Comments