Pagtaas ng mga kaso ng pag-abuso sa mga bata at kababihan, pinapa-imbestigahan sa Kamara

 

Pinapa-imbestigahan ni House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Party-list Rep. Arlene Brosas sa House of Representatives ang pagtaas ng kaso ng mga karahasan at pag-abuso sa mga bata at kababaihan.

Sa inihaing House Resolution 1632 ay binigyang diin ni Brosas na kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya at paglitaw ng Artificial Intelligence (AI) ay nakakaalarmang lumobo rin ang mga kaso ng gender-based violence at online sexual abuse and exploitation sa mga bata.

Tinukoy rin ni Brosas ang records ng Philippine National Police Crime Incident Reporting and Analysis System na umaabot sa 19,635 ang kaso ng violence against women and children simula January hanggang August noong nakaraang taon.


Ayon kay Brosas, lumalabas na bigo ang kasalukuyang mga batas na proteksyunan ang mga bata at kababaihan laban sa mga pag-abuso na hatid ng patuloy na umuunlad na teknolohiya.

Bunsod nito ay nanawagan din sa brosas sa pamahalaan na pag-aralan, amyendahan ang kasalukuyang batas o kaya ay bumalangkas ng kailangang panukalang batas para matiyak na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima ng online sexual exploitation and abuse.

Facebook Comments