Pagtaas ng mga pasyenteng dinadala sa pagamutan, hindi na kakayanin ng mga doktor

Nangangamba ang samahan ng mga doctor na hindi na nila kakayaning mapunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng dinadala sa mga pagamutan.

Kasunod ito ng pagsasailalim sa Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) at sa patuloy na tumaas na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa interview ng DZXL 558, sinabi ni Philippine College of Physician President Dr. Maricar Limpin na maraming pagamutan sa Metro Manila ang punuan na ang hospital ward, Intensive Care Unit (CU) at emergency room at hindi na kayang mag-accommodate ng mga pasyente.


Sa katunayan, mahigit 100% na ang hospital utilization rate sa National Capital Region (NCR).

Maliban dito, marami na rin sa mga healthcare workers ang nagkakasakit na kaya kinukulang na sila sa mga nag-aasikado sa mga pasyente.

Patuloy naman ang panawagan ni Limpin sa pubiko na huwag ng lumabas ng bahay kung hindi naman importante ang lakas at sumunod sa ipinatutupad na health protocols.

Umapela rin ito sa pamahalaan na magpatupad ng mas mahigpit na boarder control gayundin ang mas maganda at mas epektibong standard na contact tracing, isolation at testing lalo na’t magkakaiba ang ipinatutupad ng mga Local Government Unit (LGU).

Facebook Comments