Nilinaw ngayon ng Metropolitan Manila Develoment Authority o MMDA na hindi anti-poor ang ipatutupad na mas mataas na multa sa mga hindi awtorisadong sasakyan na papasok sa EDSA Carousel na eksklusibo lamang sa mga bus.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson Atty. Don Artes, ito ay magsisilbing deterrent dahil sa obserbasyon ng MMDA maraming motorista ang kayang sumugal at magbayad ng kasalukuyang multa na ₱1,000 pagnahuli.
Partikular na umano ang may mga mayayaman at mga mamahaling sasakyan
Paliwanag ng opisyal lalo na at walang No Contact Apprehension (NCAP) at limitado lang ang pwersa ng MMDA para hulihin ang lahat ng mga lumalabag sa batas trapiko na umaabot sa halos 1,000 ang lumalabag kada araw.
Base sa Resolusyon ng MMDA na posibleng ipatupad na sa buwan ng Nobyembre ang unang paglabag ay pagmumultahin na ng ₱5,000, pangalawang paglabag ay ₱10,000, Seminar 1 buwang suspensyon ng lisensiya at pangatlong paglabag ay ₱20,000 at isang taong suspensyon ng lisensiya habang ang multa naman sa pang-apat na paglabag ay ₱30,000 at rekomendasyon sa Land Transportation Office(LTO) na tuluyan nang revocation ng lisensiya.