Pagtaas ng multa sa mga bangkong magkakamali sa transaksyon, ipinatupad ng BSP

Tinaasan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang multa nito sa mga bangkong masasangkot sa transaction violation.

Mula sa dating P30,000 ay aabot na sa P100,000 per business day ang multa o maximum na 1-milyong piso.

Ayon kay BSP Deputy Governor Chuchi Fonacier, ang naturang monetary penalty system ay isa sa mga probisyon sa inamyendahang BSP Charter na inaprubahan noong 2019.


Naantala ang implementasyon ng bagong sistema dahil sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments