Isusulong ni Health Secretary Ted Herbosa ang unti-unting pagtaas ng pondo ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Herbosa, nais niyang triplehin ang budget ng DOH.
Inihalimbawa ng kalihin ang United States (US) na may 17% spending ng Gross Domestic Product (GDP) at ang Japan at Singapore na may 15%.
Pero sa ngayon aniya, malaki pa rin naman ang budget ng kagawaran na nasa 5.28% ng GDP ng bansa.
Sinabi rin ni Herbosa na nakakuha ang DOH ng mahigit ₱300 billion mula sa national expenditure program.
Samantala, aminado naman si Herbosa na marami pang ahensya ng gobyerno ang nahaharap sa mga isyu ng kakulangan sa budget.
Dapat rin aniyang bawasan ng gobyerno ang budget sa imprastraktura, dahil masyadong matagal bago maramdaman ng mga Pilipino ang mga pagbabago sa sektor nito.