Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na mungkahing itaas ang pork imports sa bansa at babaan ang taripa nito.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi pa pwedeng mapirmahan ng Pangulo ang kautusan habang nasa sesyon ang Kongreso batay sa tariff law ng bansa.
Matatandaang inirekomenda ng Department of Agriculture kay Pangulong Duterte na aprubahan na dagdagan ang pork imports sa 400,000 metric tons mula sa kasalukuyang 54,000 metric tons.
Bukod dito, pinapababa ng DA ang taripa sa 5-porsyento mula sa 30-porsyento para sa imports sa ilalim ng Minimum Access Volume (MAV).
Ang MAV ang nagtatakda ng limit sa halaga ng agricultural commodities na maaaring i-angkat ng Pilipinas.
Facebook Comments