Pagtaas ng positivity rate sa NCR, bahagyang bumagal – OCTA

Bahagyang bumagal ang bilis ng pagtaas ng positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na inilabas ng OCTA Research Group, bahagya lamang na tumaas sa 28.7% ang daily positivity rate sa NCR kahapon mula sa 28.03% noong Enero 1.

Pero bago ito, nasa 21% lamang ang positivity rate sa rehiyon noong December 31.


Dahil dito, posibleng umabot lamang sa 2,000 hanggang 2,500 na bagong kaso ng COVID-19 ang maitala sa Metro Manila habang 3,000 hanggang 3,500 sa buong bansa.

Pero ayon kay OCTA Research fellow Dr. Butch Ong, dapat na pataasin ang testing para makita ang totoong bilang ng nagpopositibo sa virus.

Dagdag niya, ngayong unang linggo pa ng Enero maaaring makita ang trend ng COVID-19 noong December 25 habang sa pagitan ng January 10 hanggang 15 pa posibleng makita ang bilang ng tinamaan ng virus noong Bagong Taon.

Facebook Comments