Pagtaas ng presyo ng asukal, pinapa-imbestigahan ng isang senador

Binabalangkas na ni Senator JV Ejercito ang ihahaing resolusyon para mainbestigahan ng senado ang pagtaas ng presyo ng asukal.

 

Ayon kay Ejercito, dapat magpaliwanag ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry, Department of Agriculture, at Sugar Regulatory Board sa gagawing pagdinig ng senado.

 

May hinala si Ejercito na may nagmamanipula sitwasyon dahil mataas o sapat naman ang suplay ng asukal para sa buong bansa kaya walang basehan para itaas ang presyo nito.


 

Sa impormasyong nakuha ni Ejercito mula sa mga magsasaka ay nasa P30 per kilo lang ang farmgate price ng raw o brown sugar kaya kakapagtaka na sobrang taas ng presyo nito sa mga palengke.

 

Giit ni Ejercito sa pamahalaan, gumawa ng paraan para maibalik agad and asukal sa dating mas mababang presyo, maprotektahan ang sugar farmers at huwag mapagsamantalahan ang mga mamimili.

Facebook Comments