Saturday, February 21, 2026

Pagtaas ng presyo ng bigas at sibuyas, tinutugunan na ng DA

Gumagawa na ng hakbang ang Department of Agriculture (DA) upang mapatatag ang presyo ng bigas at sibuyas sa mga pamilihan.

Nais tiyakin ng ahensya na balanse ang mga polisiya upang hindi maapektuhan ang kita ng mga magsasaka at ang presyo ng pagkain sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., tumaas ang presyo ng bigas dahil sa supply fluctuations at pagkaantala ng pagdating ng imported stocks matapos ang rice import ban na nagtapos noong December 31.

Inaasahan ng kalihim na posibleng mag-normalize ang presyo ng bigas pagsapit ng kalagitnaan ng March sa pagdating ng imports at pagsisimula ng bagong anihan.

Sa usapin ng sibuyas, nagsagawa ng inspeksyon ang DA sa mga cold storage facility at napag-alamang limitado ang imported stocks, taliwas sa pangamba ng ilang magsasaka sa Nueva Ecija.

Patuloy ngayon ang pag-aaral ng ahensya ng mga hakbang para maiangat ang farmgate prices bago ang peak harvest sa March at April.

Facebook Comments