Ramdam na sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtaas ng presyo ng bigas.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So, tumaas ng ₱2 hanggang ₱4 ang kada kilo ng bigas sa lalawigan.
Mas mababa ito kumpara sa ₱4 hanggang ₱5 na itinaas sa Metro Manila.
Ikinalungkot naman ito ng ilang pangasinense dahil sa kabila ng pagiging isa ang Pangasinan sa mga nangungunang probinsya na nagtatanim ng bigas sa bansa ay apektado pa rin ang lalawigan.
Samantala, sinabi rin ni So na hanggang Abril lang magtatagal ang taas-presyo sa bigas at inaasahang bababa na ito pagdating ng harvest season.
Facebook Comments