Nananatiling mababa ang presyo ng palay sa kabila ng nakaambang taas-presyo sa kada kilo ng bigas sa merkado.
Sa interview ng RMN Manila kay Bantay-Bigas spokesperson Cathy Estavillo, pinaliwanag nito na hindi totoong tumataas ang presyo ng palay kaya nagtataas ang presyo ng bigas sa merkado.
Sa katunayan aniya, maraming magsasaka ang umaangal sa 12 pesos hanggang 13 pesos na presyo ng palay, at nananawagan na huwag ibaba sa 20 pesos ang presyo ng kada kilo nito.
Ayon pa kay Estavillo, mula sa pinakamababang presyo na 38 pesos ay umaabot hanggang 55 pesos ang kada kilo ng bigas na kung magtataas pa sa Oktubre, tiyak na makakaapekto sa maraming ordinaryong mamimili.
Kaugnay nito, nanawagan si Estavillo kay President at Agriculture Secretary Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng konkretong plano hinggil sa mandato sa sektor ng agrikultura.
Kabilang na dito ang pagtataas sa presyo ng palay, at pagbababa sa production cost ng nasabing produkto.