Pagtaas ng presyo ng fertilizer, dapat aksyunan agad ng Department of Agriculture

Agarang pinapaaksyunan ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa Department of Agriculture (DA) ang patuloy na tumataas na presyo ng fertilizer sa bansa.

Ayon kay Zubiri, madaming lumalapit sa kanya na grupo ng mga magsasaka at kooperatiba at humihingi ng tulong dahil sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng fertilizers.

Diin ni Zubiri, ang baba na nga ng benta ng produkto ng mga magsasaka at hindi na talaga sila kikita kung mahal pa ng fertilizer at wala silang nakukuhang suporta mula sa pamahalaan.


Binanggit ni Zubiri, hindi pa rin nakaka-recover ang mga magsasaka natin at lalo pa silang malulugi dahil sa mataas nanpresyo o malaking gastos sa pagsasaka.

Paliwanag ni Zubiri, kapag nagkataon ay makakaapekto ito o hindi na magiging self-sufficient ang produksyon ng mga agricultural product at sa bandang huli ay baka umasa na naman tayo sa importasyon.

Dahil dito ay iginiit ni Zubiri sa DA na pangunahan ang pag-develop sa local fertilizer industry kung saan makakabili ang mga magsasaka ng mas murang fertilizer.

Facebook Comments