Ramdam din ng ilang konsyumer sa Mangaldan ang bahagyang pagtaas ng presyo ng ilang gulay at rekado na kanilang binibili sa palengke.
Ang presyo kasi ng gulay tulad ng repolyo nasa 150-200 pesos ang kada kilo, ang repolyo nasa 150 pesos, red bell pepper na nasa 200 pesos ang kada kilo at sayote na nasa 80 pesos.
Tumaas rin ang sibuyas na pula na nasa 160 pesos habang nasa 140 pesos naman ang sibuyas na puti, bawang, at 70-80 pesos naman ang luya.
Ani ng ilang tindera ng gulay sa palengke, bukod sa nagdaang bagyo naging dahilan rin ng pagtaas ng presyo ang pabago-bagong presyo ng krudo na siyang ginagamit sa pagtransport ng mga produktong gulay.
Umaasa naman ang ilang tindera at mamimili na bababa na muli ang presyo ng ilang gulay upang mas maging maganda at abot kaya ang kalakalan sa pamilihan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









