Pagtaas ng presyo ng isda dahil sa patuloy na oil price hike, ikinabahala ng BFAR

Ikinabahala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang posibilidad na pagtaas ng presyo ng isda dahil sa patuloy na nararanasang oil price hike.

Dahil dito, sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona sa interview ng RMN Manila na inihahanda na nila ang ayuda na ibibigay sa mga mangingisda bilang fuel subsidy.

Sa ngayon, tiniyak ni Gongona na hindi mararamdaman ang nagbabadyang taas-presyo dahil sapat pa ang suplay ng isda sa merkado.


Samantala, umaaray na rin ang mga maliliit na mangingisda sa pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Sinabi ni PAMALAKAYA Chairman Fernando Hicap sa panayam ng RMN Manila na lumiliit ang kita nila dahil dito na pinabigat pa ng pambabarat ng mga negosyante na dinadahilan ang gastusin sa pagdadala ng isda mula sa kanila papunta sa mga palengke.

Facebook Comments