Pagtaas ng presyo ng isda, may tatlong dahilan

Tatlong dahilan ang nakikita ng Department of Agriculture (DA) sa tumataas na presyo ng isda.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, una ay nagsimula na ang Closed Fishing Season, kung saan hindi muna pwedeng manghuli ng isda upang dumami muli ang mga ito.

Tinukoy din ng DA na may ipinapatupad na Fishing Ban sa Palawan at Zamboanga.


Dagdag pa ni Reyes, tumataas ang demand ngayong papalapit ang kapaskuhan.

Ikatlong dahilan ay malamig ang karagatan kung saan lumalayo ang mga isda, at malaking gastos ito para sa mga mangingisda pagdating sa Logistics.

Maliban dito, nakaapekto rin ang Bagyong Tisoy sa supply ng isda.

Upang matiyak ang sapat na supply ng isda at mapababa ang presyo nito, inaprubahan na ni Agriculture Sec. William Dar ang pag-aangkat ng 45,000 Metric Tons ng iba’t-ibang uri ng isda, kabilang na ang galunggong.

Facebook Comments