Naniniwala ang grupong Central Luzon Farmers Cooperative na mga rice trader umano ng bigas ang nasa likod na naman ng pagtaas ng presyo ng lokal na produksyon ng bigas sa bansa.
Ayon kay Central Luzon Farmers Cooperative President Sonny Sioson, nag-aagawan umano ngayon ang mga trader sa pagbili ng bigas ng mga magsasaka.
Paliwanag ni Sioson na wala umanong pinagka-iba ang nangyayari ngayon sa suplay ng bigas sa sinapit ng sibuyas.
Ang problema, mababa ang ani umano ngayon ng mga magsasaka kaya nag-uunahan ang mga rice trader sa limitadong naani ngayon ng mga magbubukid.
Nagsimula sa bente pesos ang farmgate price pero tumaas na sa P23 kada kili hanggang P24 kada kilo ng tuyong palay.
Posible pa umano itong tumaas sa mga darating na araw lalo pa’t may ilang ride trader ang kinokontrata na ang mga magsasaka bago pa anihin ang palay.
Ang problema, paonti nang paonti ang lokal na produksyon ng bigas na sa kanilang pagtaya ay nasa 35 percent lang mula sa kabuuang sakahang lupain.