Pagtaas ng presyo ng manok, iimbestigahan ng Dept. of Agriculture  

Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng manok.

Ito’y sa gitna ng outbreak ng African Swine Fever sa ilang bahagi ng luzon.

Ayon kay Agriculture Spokesperson Noel Reyes, walang pagbabago sa farmgate price ng manok kung kaya walang dahilan para magtaas ng presyo nito sa pamilihan.


Pero aminado si Reyes na tumaas ang demand ng manok dahil sa takot ng mga mamimili sa ASF.

Paglilinaw ng ahensya, walang krisis sa supply ng karne.

May suspetsa na sila kung sino ang mga nananamantala.

Kaugnay nito, sinabi ni Dept. of Trade and INDUSTRY (DTI) Usec. Ruth Castelo, pinag-aaralan na nila ang hirit na umento sa mga pang-noche buena gaya ng ham, tomato sauce, at keso.

Pinayuhan naman ng DTI ang mga mamimili na maging mapanuri at isumbong ang mga negosyante nananamantala.

Facebook Comments