Pagtaas ng presyo ng mga bakuna kapag nabigyan ng full authorization, posible – FDA

Malaki ang tiyansang tumaas pa ang presyo ng mga COVID-19 vaccines oras na gawing commercially available o bigyan ng “full authorization”.

Kasunod ito ng pag-apruba ng Amerika sa commercial use ng Pfizer vaccines sa kanilang bansa.

Ayon kay Food and Drug Administration (FDA) Director-General Eric Domingo, very likely na ito ngayon dahil ipinapangako ng mga kumpanya na nagbebenta sila sa mga gobyerno nang walang tubo bilang tulong sa worldwide drive laban sa COVID-19.


Inaasahan namang mag-a-apply na rin ng certificate of product registration ang Pfizer-BioNTech sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccines nito at hindi malayong susunod na rin ang ibang brand ng bakuna sa huling quarter ng 2021.

Sa ngayon, nasa 12 porsiyento pa lang ng kabuuang populasyon ng bansa ang kumpleto ang bakuna.

Higit 139.6 milyong COVID-19 vaccine doses pa ang nakalaang ipamahagi sa buong bansa bago matapos ang taon.

Facebook Comments