Mas makikinabang ang mga magsasaka sa tumataas na presyo ng palay.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang gumagandang presyo ng palay ay dahil sa pandaigdigang pangamba na magkulang ang suplay at epekto ng El Niño.
Dahil dito, naghihigpit ang suppliers ng kanilang suplay sa pandaigdigang merkado.
Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA) National Rice Program, tumaas ang presyo ng palay noong Abril, na nasa P17.66 per kilo kung fresh at P20.38 kapag dry.
Mas mataas ito kumpara sa dating P15.57 per kilo ng fresh na palay at P17.95 per kilo na dry noong 2022.
Naitala ang pinakamataas na presyo ng palay sa Central Luzon, habang tumaas din ang presyo sa Cagayan Valley, Mindoro, Leyte, Caraga, Iloilo at Davao.
Samantala, patuloy namang binabantayan ng pamahalaang ang farm gate price ng palay at bigas sa merkado.