Isinisi ng bangus industry stakeholders and dealers alliance o BISDA sa Board Resolution no. 540 ng Laguna Lake Development Authority ang pagmahal ng presyo ng bangus.
Ayon kay Atty. Joel Dizon, dahil sa board resolutio ng LLDA, binaklas at giniba ang ekta ektaryang fishpen sa lawa ng laguna.
Mula sa dating 12,500 ektaryang palaisdaan, lumiit na ito ngayon sa 5124 ektarya na lamang.
Dahil dito, bumaba ng 78 percent ang produksyon ng bangus sa bansa na nagresulta ng pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.
Ipinanawagan ng grupo na ibalik kahit sa carrying capacity na mahigit 9,000 ang lawak ng palaisdaan sa Laguna lake.
Kung mangyari aniya ito ay maibababa ang presyo ng kada kilo ng bangus.
Sa ngayon umaabot sa 150- hanggang 180 pesos kada kilo ang presyo ng bangus sa pamilihan.