Pagtaas ng satisfaction rating ni Pangulong Duterte, pinagdududahan ng ilang Kongresista

Hindi kumpyansa ang ilang mga mambabatas sa latest SWS survey kung saan tumaas ng +66 ang net satisfaction rating o tumaas ng 6 na puntos ang mga nagsasabing ‘very good’ pa rin ang performance ni Pangulong Duterte.

 

Duda si Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao sa resulta ng survey dahil na rin sa maraming isyung kinakaharap ng bansa.

 

Ilan sa mga isyu ay ang pagpatay sa mga magsasaka sa gitna ng kawalan ng lupang sakahan habang sa siyudad ay malala ang unemployment, pagtaas ng presyo ng bilihin at krisis sa suplay ng tubig.


 

Kabilang rin umano sa ikinagagalit ng mamamayan ay ang patuloy na pambubully at pang-aangkin ng China sa West Philippine Sea pati na ang pinasok na loans para sa Chico River Pump Irrigation project.

 

Dagdag pa ng kongresista, maaaring hindi naisama ng SWS sa mga respondents ang marginalized sectors at iba pang apektadong grupo kaya ganoon ang naging resulta.

Facebook Comments