Pagtaas ng singil ng kuryente, ibinabala dahil sa pagsasara ng Malampaya plant

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) sa publiko kasunod ng posibleng pagtataas ng singil sa kuryente.

Ito ay matapos ang pansamantalang pagsasara ng Malampaya plant na nakatakda sa Oktubre.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, maraming planta ang apektado ng pagsasara na makakaapekto sa suplay ng kuryenteng sumusuporta sa Luzon.


Nauna nang inihirit nina House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate ang DOE na maglatag ng kongkretong plano para maiwasan ang mga brownout at pagtaas ng singil sa kuryente sa nakaambang shutdown ng Malampaya mula Oktubre 2 hanggang 22.

Facebook Comments