Pagtaas ng Suicide Cases sa Pangasinan kinakabahala

Lingayen Pangasinan – Aabot sa 59 na kaso ng suicide cases ang naitala ng Pangasinan Provincial Health Office sa buong lalawigan. Naaalarma ang pamunuan ng PHO sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga nagpapakamatay simula 2017.

Sa datos ng PHO mula sa 59 cases nasa 89% nito o 48 na indibidwal ang namamatay dahil sa suicide. Pinakabata ang edad 12 at 62 naman ang pinakamatanda. Karaniwang pagbibigti at paglalaslas ang paraan ng kanilang ng mga nasabing indibidwal sa pagpapatiwakal.

Tinukoy naman ng PHO ang mga lugar ng Mangaldan, Balungao, Dagupan, Bani, Calasiao at Alaminos ang may pinakamataas na mga kaso ng suicide sa lalawigan. Depresyon dahil sa problema sa pamilya, bullying, at pag-ibig ang mga pangunahing sanhi ng pagpapkamatay sa datos ng PHO at karaniwan dito ay mga kalalakihan na ayon sa pamunuan ay hindi ganoon ka-vocal pagdating sa iniindang problema.


Samantala, nagpaalala naman ang pamunuan ng PHO sa lahat ng nakakaranas ng depression na huwag mag-atubili at mahiyang kumonsulta sa mga propesyunal na mas na nakakaintindi sa kanilang kondisyon.

Facebook Comments