Pagtaas ng suporta sa ISIS sa bansa, ibinabala ng isang security expert

Naniniwala ang security expert na si Rommel Banlaoi na suicide attack ang nangyaring pagpapasabog sa Indanan, Sulu noong Biyernes.

Aniya, maaaring Islamic State (IS) ang nasa likod ng pagsabog na una nang umako sa insidente.

Gaya raw ito ng pag-ako ng ISIS sa Marawi Siege na lumabas ngang totoo.


Nagbabala rin si Banlaoi sa pagtaas ng suporta sa ISIS sa bansa.

Aniya, totoong humihina ang presensya ng ISIS sa Middle East partikular sa Syria at Iraq pero hindi ito nawawala.

Katunayan, nito lang mga nakaraang Linggo isang grupo na nagpakilalang tagasuporta ng Islamic State ang nangako ng pakikipag-alyansa sa ISIS kung saan kuha ang video dito sa Pilipinas.

Kaugnay nito, dapat aniyang magdoble-kayod ang gobyerno sa pagsugpo ng mga teroristang grupo.

Facebook Comments