Pagtaas ng trade rating ng Pilipinas, ibinida ng Malacañang

Manila, Philippines – Ibinida ng Malacañang ang pagtaasng trade rating ng Pilipinas sa first quarter ngayong taon.
  Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tumaas ng18.5% ang import at export rating ng bansa na isang patunay ng pagiging fastestgrowing economy ng Pilipinas sa ASEAN region.
  Nakatutok din aniya ang gobyerno sa pagpapalakas samicro, small and medium enterprises na magbibigay oportunidad para sa mgamahihirap na pilipino na makaangat sa kabuhayan.
  Bunga nito, tiniyak ng palasyo na paiigtingin pa nggobyerno ang pagkamit ng mas sustainable at inclusive economy upang walangmaiwang sektor ng lipunan sa paglago ng bansa.
 

Facebook Comments