Pagtaas ng travel expenses ng OVP, inungkat sa pagdinig ng Kamara

Sa pagdinig ngayon ng House Committee on Good Government and Public Accountability ay pinuna ni Nueva Ecija Rep. Mika Suansing ang lumobong gastos sa pagbyahe ng Office of the Vice President o OVP.

Tinukoy ni Suansing ang paglobo ng travel expenses sa P62.5-M ngayong 2024 mula sa P20.1-M noong 2022, at P10-M noong 2021.

Paliwanag naman ni Fahad Bin Abdulmalik Tomawis ng Commission on Audit o COA base sa isinumite sa kanila ng OVP ang paglaki ng travel expenses nito ay bunga ng expansion ng satellite offices at disaster operations.


Giit ni Suansing, mas mainam kung dumalo sana sa pagdinig ang mga opisyal ng OVP para ang usapin sa paggastos nito ng pondo ay naipapaliwanag na mabuti.

Facebook Comments