Pagtaas ng tubig sa La Mesa Dam, hindi pa rin makakatulong sa water interruption sa Metro Manila – Pagasa

Kahit paunti unti tuloy tuloy ang pagtaas ng lebel ng tubig sa La Mesa dam dahil sa mga pag ulan sa nakalipas na araw.

 

Sa pulong balitaan sa Pagasa, sinabi Engr. Roy BadillaChief Hydrometreological Division ng Pagasa Weather Bureau na bagamat may pagbabago sa lebel ng tubig sa dam hindi pa rin daw makaktulong ito sa water interruption na ipinatutupad ng mga water consessionaires.

 

Base  sa rekord ng Hydrometreological Division, sa nakalipas  na 24-oras tumaas ng .78 centimeters ang water level ng La Mesa dam.


 

Kaninang  alas sais umaga  nasa 69.98 meters na ang lebel ng tubig ng dam mula sa 69.20 meters  kahapon.

 

Nanatili pa rin sa   36 cubic meters per seconds ang  alokasyon na tubig  ng national water resources board sa MWSS.

 

Samantala inaasahang papasok sa Phil Area of Responsibility sa darating na biyernes o sabado ang isa pang sama ng panahon  na namataan sa southern part ng Guam.

Facebook Comments