Pagtaas sa 100% ng kapasidad sa mga pampublikong sasakyan, inihirit ng isang transport group

Ihihirit ng isang transport group sa gobyerno na itaas sa 100% ang kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at iba pang karating na lalawigan.

Ito ay matapos payagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na itaas sa 70% ang seating capacity sa mga bus, jeepney at tren simula sa November 4.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mody Floranda National President ng PISTON, hindi na sapat ang mga kinikita ng mga drayber dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.


Habang hindi rin dapat mabahala na magkaroon ng hawaan sa COVID-19 dahin may mga hakbang na silang ginagawa upang ito ay mapigilan.

Sa ngayon, magsasagawa muna ng konsultasyon ang LTFRB at mga public transport operators and drivers para maikasa at maihanda ng maayos sa pagsisimula ng pagtaas ng passenger capacity.

Facebook Comments