Hindi na nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na maitataas pa sa number 4 ang alerto ngayon ng Bulkang Mayon.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dr. Paul Alanis, resident volcanologist ng Mayon Volcano Observatory ng PHILVOLCS, na sa pinakahuling data, nakapagtala sila ng 56 na insidente ng rockfalls mula sa Bulkang Mayon.
Mayroon din aniyang naitalang pyroclastic flow at tatlong volcanic earthquakes.
May naitala ring 1,582 tonelada ng sulfur dioxide emissions nitong July 12.
Ayon kay Alanis, sa kabila na may naitalang pagbaba ng magma, konting gas lamang dito ang naibubuga.
Mga abo naman aniya na ibinubuga ng bulkan ay nanggagaling sa rockfall at pyroclastic density currenty (PDC), pero konti lamang ito base sa kanilang pagtaya.
Sa ngayon, aniya, ay hindi naman ito ganun kadelikado.
Nananatili aniya ngayon sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon.