Para kay House Ways and Means Committee Chairman at Albay 2nd District Representative Joey Salceda, mas mainam na taasan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang benefit package nito sa halip na bawasan ang kontribusyon ng mga miyembro.
Ayon kay Salceda, batay sa pagtaya ng Department of Finance ay nasa P500 billion ang sobrang pondo ng PhilHealth.
Kahit mag-withdraw aniya rito ang National Government, sa loob ng tatlong taon na fund life ng nabanggit na excess funds ay makakaya pa ring pondohan ng PhilHealth ang 10-porsyentong ng P1.8 trillion na kailangan para sa mga catastrophic health care needs lalo na ang para sa Senior Citizens.
Kaugnay nito ay hihilingin ni Salceda sa Philhealth na magsumite ng plano sa paggastos ng excess funds para mapag-ibayo ang benefits package sa mga miyembro at mapabilis ang pagbabayad sa overdue payments nito.
Tiniyak naman ni Salceda na sa gagawing deliberasyon para sa pambansang pondo ay isusulong nya na malaanan pa rin ng subsidiya ang PhilHealth.