Pagtaas sa GCQ ng Cordillera Administrative Region dahil sa naitalang kumpirmadong kaso ng UK variant, pinag-aaralan na ng DOH

Pinag-aaralan na ng Department of Health Cordillera Administrative Region (DOH-CAR) na itaas sa General Community Quarantine (GCQ) ang kanilang lugar matapos ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon at ang pagkalat ng mas nakakahawang variant ng sakit.

Ito ay matapos makapagtala ng labing-dalawang kumpirmadong kaso ng UK variant sa Bontoc, Mountain Province at isa sa La Trinidad, Benguet.

Ayon kay Dr. Ruby Constantino, Regional Director ng (DOH-CAR), maging ang National DOH at ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay nais ilipat sa mas mataas na lebel ng quarantine ang lugar.


Giit pa ni Constantino, kapag napuno ang kapasidad ng mga ospital ay irerekomenda na nila na iakyat sa GCQ ang buong Cordillera.

Sa ngayon, as of January 20, mayroon nang 59 temporary treatment facilities ang rehiyon na mayroong 2,548 beds at 750 ang okupado.

Facebook Comments