Ipinagpaliban ng Pag-IBIG Fund ang pagtaas sa contribution rate para sa mga miyembro nito sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic sa mga manggagawa at negosyo.
Ginawa ng Pag-IBIG ang desisyon matapos ang ginawa nilang konsultasyon sa labor at employer groups.
Epektibo sana sa January 2021 ang pagtaas sa monthly contributions ng Pag-IBIG Fund members pero ipinagpaliban ito sa January 2022.
Ayon kay Secretary Eduardo D. del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees, inaprubahan nila ang rekomendasyon ng PAG-IBIG Fund management na ipagpaliban nga ang pagtaas sa monthly contribution sa ₱150 mula sa kasalukuyang ₱100.
Batid anila kasi nila na marami sa kanilang mga miyembro at employers ang nahaharap sa financial challenges sa mga nakalipas na buwan dahil sa epekto ng pandemya.
Alinsunod din aniya ito sa hangarin ng Pangulong Rodrigo Duterte na maibsan ang financial burden ng mga Pilipino at para mapabilis ang pag-recover ng mga negosyo sa bansa.
Ayon naman kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti, nagdesisyon sana silang taasan ng ₱50 ang kontribusyon ng Pag-IBIG members para mapataas ang kanilang pondo at matugunan ang mataas na demand gayundin para mapanatili ang mababang rates sa loans.
Sa kabila ng pandemya, tiniyak naman ng Pag-IBIG Fund na hindi nito mahahadlangan ang kanilang pagseserbisyo sa mga miyembro.
Sa katunayan anila, ngayong taong ito ay nakapagpalabas sila ng ₱44.16 billion para sa home loans kung saan 43,733 na Pag-IBIG members ang nagkaroon na ng sariling bahay ngayong lamang taong 2020.
Sa nakalipas na buwan ngayon lamang nila ay nakapagpalabas sila ng ₱7.7B para sa housing o home loans.