Pagtaas sa kontribusyon sa SSS, hiniling ng isang senador na ipagpaliban muna

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Social Security System o SSS na ipagpaliban ang pagtaas sa kontribusyon sa mga miyembro nito.

Nakapaloob ito sa inihaing Senate Resolution 1269 na nagpapaimbestiga naman sa contribution hike na ipatutupad ng SSS.

Giit ni Hontiveros, ang pagtaas sa kontribusyon sa mga SSS member ay uubos sa kanilang sahod lalo’t kinukulang pa ito para makaagapay sa patuloy na tumataas na mga bilihin.


Kinwestyon din ng mambabatas kung saan dinadala ng SSS ang malaking investment earnings nito sabay babala na baka magulat tayong ilalagay na pala nila ito sa Maharlika Fund.

Hindi pa aniya napapanahon na magtaas ng koleksyon sa mga myembro ang SSS dahil noon lamang 2024 ay pumalo sa P100 billion ang net income nito, dumami ang bilang ng mga contributor sa 30 percent at napalawig pa ang fund life nito hanggang 2053.

Facebook Comments