Pagtaas sa Minimum Catastrophe Insurance Rates, magbubunga ng cartel

Ibinabala ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee na magdudulot ng cartel sa industriya ng insurance ang pagtaas ng premium rates para sa minimum catastrophe tulad ng lindol, bagyo at pagbaha.

Ayon kay Lee, anti-competitive policy ito na papabor sa mga cartel na maghahatid ng siguradong pagsipa na naman sa presyo ng mga pangunahing bilihin na papasanin ng taumbayan.

Sa pagdinig ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ay iginiit ni Lee na hindi ito nararapat sa panahon ngayon na tayo ay bumabangon mula sa pandemya habang patuloy nating hinaharap ang matinding inflation.


Punto ni Lee, malinaw naman sa mga datos na kumita pa rin ang insurance industry kaya hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro kabig o pansariling pabor lang ang gagawin nito.

Para kay Lee, Napaka-wrong timing ng polisiyang ito kaya patuloy syang nananawagan na ibasura ng tuluyan ang increase sa minimum catastrophe insurance rates para maging winner ang lahat ng panig.

Facebook Comments