Hindi masabi ng LTFRB kung wala o mayrooong idudulot na pagtaas sa pamasahe ang napipintong modernisasyon ng public utility vehicles o PUVS.
Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni LTFRB Spokesperson Celine Pialago na ang prayoridad ng modernisasyon ay tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pero, sinabi ni Pialago na seryoso ang kagawaran sa mga petisyon para sa fare hike.
Dahil dito, masusi aniya nilang pinag-aaralan ang mga inihahaing hirit sa pasahe.
Dagdag pa ni Pialago na kung magtataas man sa pasahe ang mga bagong utility vehicles sa hinaharap, hindi naman ganun kalaki.
Facebook Comments