Pagtaas sa PhilHealth contributions ng OFWs, naaayon sa Universal Health Care Law

Naiintindihan ni Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang kasalukuyang hinaing ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs hinggil sa mas mataas na bayarin sa kanilang PhilHealth contributions.

Kaugnay nito ay nilinaw ni Go na lahat ng pagtaas sa PhilHealth contributions ay naaayon sa Universal Health Care Law na naisabatas noon pang nakaraang 17th Congress.

Paliwanag ni Go, layunin ng batas na mas lalong mapabuti at mapalawak ang mga benepisyo at iba pang programang pangkalusugan para sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino, kasama ang OFWs at kanilang mga pamilya o dependents na nandito sa Pilipinas.


Tinukoy din ni Go, ang sinabi ng PhilHealth na sa nakaraang taon, ay mas malaki pa ang amount of benefits na napakinabang ng OFWs at kanilang dependents kumpara sa kanilang naibayad na premiums.

Pero dahil sa pandemic ay umaapela si Go sa PhilHealth na kung maaari ay pag-aralan munang mabuti na mai-delay ang pagbabayad o pagtaas sa premium contributions.

Facebook Comments