Pagtaas sa pondo ng farm-to-market roads, ikinaalarma ng isang Senador

Nababahala si Senator Erwin Tulfo sa itinaas ng pondo ng farm-to-market roads na inaprubahan ng bicameral conference committee na aabot sa ₱17 billion o nasa ₱33 billion na kabuuang halaga.

Ayon kay Sen. Erwin, batid niya na napakalaking halaga nito at posibleng isipin ng publiko na inalis nga ang mga flood control project ngunit pinalitan naman ng mga farm-to-market road.

Paalala ni Tulfo, hindi maiiwasan na pagisipan ng mga tao na nakahanap ng ibang pamamaraan ang mga mambabatas para makakuha ng budget sa pamamagitan ng farm-to-market roads.

Dahil dito, kailangan aniyang may safety measures na nakalagay sa pambansang pondo partikular sa paggamit ng farm-to-market roads upang matiyak na ito ay maipapatupad ng maayos.

Sinabi naman ni Senator Pia Cayetano na ang pondo para sa FMR ay posibleng umabot pa sa ₱43 billion dahil sa ₱11 billion na hindi pa nailalabas mula 2025.

Facebook Comments