Pagtaas sa presyo ng ilan pang pangunahing bilihin, aprubado na ng DTI

Aprubado na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang panibagong pagtaas sa presyo ng ilang pangunahing produkto na may Suggested Retail Price (SRP).

Kabilang dito ang apat na brands ng sardinas, isang klase ng powdered milk at apat na toilet soap.

P1.50 hanggang P6.00 ang pinayagang pagtaas sa presyo ng mga naturang produkto.


Ito na ang ikalawang beses na nag-anunsiyo ng price adjustment ang DTI ngayong January 2024.

Kinumpirma naman ni Trade Secretary Alfredo Pascual na pinag-aaralan na ng gobyerno ang pagtatanggal ng SRP sa basic commodities at prime commodities.

Tiniyak naman ng kalihim na magkakaroon pa rin ng proteksyon ang consumers laban sa posibleng walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Facebook Comments