Nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang kinalaman sa pagtaas ng presyo ng karne ang pagban sa mga karneng baboy mula sa mga bansang may African swine fever (ASF).
Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo – hindi dapat gawing rason ng mga retailer ang ASF upang itaas ang presyo nito.
Paliwanag ni Castelo – mula sa farm gate price na 125 pesos ay dapat nasa 75 pesos ang ipapataw dito ng mga retailers.
Kaya aabot lamang sa 200 piso ang bentahan ng mga retailer sa kada kilo ng karneng baboy.
Tiniyak ng DTI na mananatiling matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
Facebook Comments