Pagtaas sa presyo ng mga pagkain, sisilipin ng Senado

Inihain ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang Senate Resolution number 618 na nagsusulong ng pagdinig sa tumataas na presyo ng mga pagkain sa bansa.

Katwiran ni Pangilinan, habang tumataas ang presyo ng pagkain ay lalo pang dadami ang magugutom lalo na ngayong may pandemya.

Diin pa ni Pangilinan, kailangan itong tutukan dahil ang usapin ng pagkain ay usapin din ng kalusugan.


Sinang-ayunan naman ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang isinusulong na pagdinig ni Pangilinan.

Ayon kay Senate Majority Leader Miguel Zubiri, makakatulong ang pagdinig ng Senado para matukoy ang nararapat na hakbang ukol sa problema.

Pangunahing nais paharapin ni Senator Imee Marcos sa pagdinig ang Department of Trade and Industry (DTI) para usisain ang pagpapatupad ng Price Act na layuning protektahan ang mga mamimili sa hindi makatarungang pagtataas sa presyo ng mga bilihin habang may emergency situation.

Facebook Comments