PAGTAAS SA PRESYO NG MGA GULAY, INAAASAHANG MARARAMDAMAN SA SUNOD NA LINGGO KASUNOD NG KWARESMA

Hindi lamang isda ang inaasahang tataas ang presyo maging ang gulay ngayong papalapit na ang Mahal na Araw sa Dagupan City.

Ayon sa nakapanayam na tindera ng IFM News Dagupan, ganito na raw ang siste sa tuwing sumasapit ang Semana Santa na maging gulay ay tumataas sa presyuhan, kung saan dito na rin nakakabawi ang mga magsasaka.

Dagdag niya, lalo ngayong nararamdaman ang init ng panahon, nalulugi umano ang ilang mga magsasaka.

Sa kasalukuyan, nananatiling mataas ang presyo ng ilang mga gulay tulad ng broccoli at cauliflower, repolyo at umbok na bawang nasa P80 ang kada kilo Nakitaan ng malakihang pagsipa ang sigarilyas na mula P60 ngayon nasa P100 na.

Samantala, umaaasa rin ang mga tindera ng gulay na tataas ang kanilang kita ngayong Kwaresma. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments