PAGTAAS SA PRESYO NG PANDESAL SA PANGASINAN, NARARANASAN

Nararanasan ngayon ng ilang konsyumer sa lalawigan ng Pangasinan ang pagtaas sa presyo ng tinapay partikular na ang pandesal na hindi nawawala sa hapag kainan ng mga Pangasinense tuwing almusal.
Tumaas ng mula sa .50 cents hanggang 4 na piso ang itinaas sa presyo nito, kung saan ang ilan naman ay hindi nagtaas ngunit lumiit ang sukat ng kanilang pandesal.
Saad ng ilang mga panadero dahil din sa mataas na presyo ng harina at asukal kung kaya’t apektado ito pati na rin ang mataas na presyo ng gasolina.

Sa Malimgas Public Market tumaas ng dalawang piso ang kada kilo ng harina na dati ay nasa 35 pesos lamang ito kada kilo at ngayon ay nasa 37 pesos na.
Samantala, tumaas din ng aabot sa dalawa hanggang apat na piso ang presyo ng itlog na isa ring hindi nawawala sa hapag kainan tuwing almusal. | ifmnews
Facebook Comments