Pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo, nakaamba bukas

Nakatakdang magpatupad ng price adjustment ng kanilang produktong petrolyo ang kumpanya ng Cleanfuel.

Sa abiso ng nasabing kumpanya, epektibo bukas alas-4:10 ng hapon ang ₱1.30 dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Habang ₱1.50 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng kanilang diesel.


Ang nasabing pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ay dahil na rin umano sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado.

Facebook Comments