Pagtaas sa presyo ng sibuyas, sisiyasatin ngayong araw ng Senado

Bubusisiin ngayong araw ng Senate Committee on Agriculture and Food ang dahilan ng matinding pagtaas sa presyo ng sibuyas.

Ayon kay Senator Imee Marcos, aalamin nila kung nagkaroon ba talaga ng kakulangan sa pagpaplano o projection ang Department of Agriculture (DA) para sa supply ng sibuyas.

Iimbestigahan din kung talaga bang mayroong manipulasyon sa presyo at suplay ng sibuyas ang mga traders, importers at smugglers.


Sisilipin din kung ano ang ginagawa sa isyung ito ng Bureau of Customs (BOC) lalo sa ngayon ay mistulang iisa na ang mga smugglers at yung mga importer.

Giit pa ni Senator Marcos, nahihirapan siya na intindihin ang nangyayari ngayon sa sibuyas dahil taon-taon naman ay batid kung kailan bumababa ang ani at kailan muling tataas ang ani ng sibuyas

Facebook Comments