“Anong “K” na magtaas ng presyo?!”
Reaksyon ito ni Senator Imee Marcos sa pagtaas ng singil ng Manila Electric Company o Meralco.
Paliwanag ni Marcos, bumagsak ang demand sa kuryente ng 30% nitong mga nakaraang buwan at unti-unting tataas sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) at General Community Quarantine (GCQ) pero hindi pa rin full-summer load.
Katwiran ni Marcos, kung walang benta ay hindi dapat itaas ang presyo dahil kapag mahina ang konsumo ay dapat ibagsak pa nga ang presyo.
Ayon kay Marcos, mainam na sikapin ng power companies na maka-recover sa pagbubukas ng ekonomiya sa halip na itaas ang singil sa mga consumers na ilang buwan nang nananatili sa kanilang mga tahanan bilang pagsunod sa quarantine para pigilan pagkalat ng COVID-19.