Pagtakbo bilang pangulo ng bansa, negatibo pa rin kay Senator Bong Go

Hindi pa rin interesado si Senator Christopher Bong Go na tumakbo bilang presidente ng bansa sa nalalapit na 2022 election.

Ito ay matapos kumpirmahin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtakbo sa pagkabise-presidente sa susunod na eleksyon.

Ayon kay Go, nakatutok pa siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang bansa na malampasan ang krisis dulot ng COVID-19.


Ipinakiusap naman ng Senador na mas mabuting unahin muna ang mga interesadong tumakbong Pangulo kaysa sa kanya.

Matatandaang una nang sinabi ni Go na nais niyang si Pangulong Duterte ang maging ka-tandem dahil naniniwala siyang ito ang magiging “continuity” ng pamamahala sa pamahalaan.

Facebook Comments